Karapatang Maging Malaya
Ang Kalayaan ay isang biyaya na ipinagkaloob sa atin na dapat nating ingatan. Lahat tayo ay may karapatang maging malaya, malayang kumilos, magpasiya, maging masaya, at iba pa. Ang kalayaan ay ginagamit sa magandang paraan at ginagamit ito ng may pananagutan. Nagkakaroon tayo nang kalayaan kung tayo ang nagdedesisyon para sa ating sarili, kung ano ang nais nating gawin at kung ano ang makakapagpasaya sa atin. Tulad ng pagpili sa kursong nais mo, ikaw ang magpapasiya tungkol dito, hindi ang mga taong nakapaligid sa'yo. Nawawalan ng kalayaan ang isang batang tulad ko kung iba ang nagdedesisyon para sa kaniya o may kumokontrol sa buhay niya, tila nakatali ang leeg niya dahil sinusunod niya ang sinasabi ng iba kahit ayaw niya. Katulad ng pagpipilit ng mga magulang nila na "ganito ang dapat mong kunin sa kolehiyo kasi lahat ng pamilya natin ay ganito" kahit na ayaw niya sa kursong iyon, 'yun parin ang pipiliin niya dahil iyon ang nais ng magulang niya.